Posts

Showing posts from January, 2022

Pag-alam sa mga Natutuhan

  BUOD Ang natutunan ko sa asignaturang Filipino sa larangan ng akademik ay ito ay isang pagpapahayag ng kaalaman ng kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng babasa at bumasa sapagkat ito ay maaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Bilang pagtugon sa pangunahing Basic Education K to 12 Curriculum na maihanda ang mga mag-aaral at maituro ang mga pundamental na teknik sa pagsulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin. Ito rin ay naglalayon na makalinang nang buo at ganap na Pilipinong may kapakipakinabang na literasi na may sapat na kakayahang pangkomunikatibo kung saan ang mga mag-aaral ay hahasaing gamitin ang wikang Filipino bilang wika ng intelektuwalisasyon at wikang ginagamit sa iba't ibang disiplina at higit sa lahat, makabuo ng portfolio ng mga binuong akademikong sulatin na magpapatunay nang ganap na pagkaunawa ng mga kaalaman at kasanayang nakapaloob sa kursong Pagsulat ng Sulating Akademik. IPINASA NI: COMPETENTE, TONY ROSE A. IPINASA KAY: MA'AM JOEBELLEN...